PASAY, MANILA AT SAN JUAN MABABAGSIK SA LAKAN CUP


IPINAGPATULOY ng Pasay ang impresibong laro sa MPBL Lakan Season noong Huwebes ng gabi, kung saan giniba ng Voyagers ni Jayjay Helterbrand ang Imus Bandera, 82-65, sa San Andres Gym.
Sina Jan Jamon at Ron Lastimosa ay may pinagsamang 27 points maging ang iba pang Voyagers upang ipalasap sa Bandera ang ikalawang pagkatalo sa tatlong laro
“We used our loss to San Juan as a motivation,” ayon kay Pasay coach Marlon Keith Martin. “We saw the character of our team and their eagerness to bounce back was there.”
Madali ring tinalo ng Manila at San Juan ang dalawang perennial powerhouse teams.
Hinalibas ng Stars of Manila ang General Santos City Warriors, 79-72, sa bisa ng solidong fourth quarter game ni Aris Dionisio nang bumasket ng 11 points sa final period at ganap na lumamang sa karibal, 25-16 para kunin ang ikatlong panalo sa apat na laro. Ang San Juan, sa kabilang banda ay nananatiling solo sa liderato nang umiskor ng 101-86 nang kaldagin ang Rizal.
Inasahan ng Knights si dating pro John Wilson, na nagbigay ng 25 points, kabilang na ang apat na triples upang iangat ang Go-For-Gold-backed squad sa ikatlong panalo.
Dumagdag si Mike Ayonayon, ang reigning Finals MVP ng 15 markers para sa Knights. (MC)





Comments