Misis niratrat ng riding-in-tandem, utas
- Levi Gonzales
- Jul 7, 2019
- 1 min read

ISANG ginang ang pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Bgy. Villa Mendoza, Gumaca, Quezon.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nasa loob ng kanyang sari-sari store ang biktimang si Yolanda Salvacion, nang tumigil ang isang motorsiklo.
Nagkunwaring bibili ang mga suspek at pagkakita sa biktima ay agad itong pinagbabaril sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Agad sumibat ang mga salarin sakay ng kanilang motorsiklo habang iniwang wala ng buhay ang biktima.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng krimen at nasa likod ng pagpatay dito.





Comments