top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

LPG tank, siguruhing hindi sasabog at 'di substandard!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 7, 2019
  • 1 min read

DRAWING lang ang babala ng Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI) na babantayan ang ilang pabrika ng dispalinghadong LPG tank sa Metro Manila.

Alam ba ninyo, nagkalat ang “niretoke” o “pinagpatse-patseng” LPG tank?

◘◘◘

MAY natanggap tayong ulat na may underground manufacturer ng propane sa Bgy. Bignay sa Valenzuela City na pag-aari ng isang Tsino.

Inaangkat umano sa China ang mga pira-pirasong piyesa ng tangke ng LPG na ibinibiyahe sakay ng container van bandang madaling-araw sa nagdaang buwan!

◘◘◘

IBINUNYAG ng ilang trabahador sa naturang pabrika, ina-assemble ang mga kinakalawang na bulok na piyesa gamit ang simpleng welding machine at spray paint.

Nakalulusot sa inspeksiyon ng Bureau of Philippine Standard ng DTI at DoE dahil nakakuha sila ng tinatawag na “PS Mark” gayung wala silang sapat na makinarka o heavy equipment upang makagawa ng ligtas o matinong tangke ng LPG!

◘◘◘

SA totoo lang, ang paggawa ng propane o LPG tank ay dapat sinusuri ng mga awtoridad gamit ang electrochemical, electromagnetic, advanced materials technology; temperature at humidity test.

Kailangang matiyak na hindi ito sasabog at hindi substandard ang pagkakagawa bago maibenta sa merkado!

◘◘◘

SA ilang pagsusuri ng source, sinasabing ang LPG tank na nagmumula sa naturang pabrika ay may kaduda-dudang marka ng petsa ng pagkakagawa dahil hindi maaninag na mabuti kung anong taon at petsa ito binuo sa planta.

Ilang konsiyumers ang nananawagan sa DTI at NBI na magsuri at alamin kung ligtas ba ang ginagawang LPG tank sa Valenzuela City.

Dapat ding masuri kung kolorum ang pabrika at kung lehitimo ang kanilang pag-angkat ng “junk LPG tank” upang i-reassemble” sa Pilipinas!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page