Karapatan ng kababaihan sa ilalim ng mail-order bride law
- BULGAR

- Jul 7, 2019
- 3 min read
NAKASAAD sa Article 1 ng Family Code of the Philippines ang mga sumusunod:
“Article 1. Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this code.”
Mula sa nabanggit na probisyon, makikita natin na ang pag-aasawa sa ating bansa ay nakabase sa kung ano ang isinasaad ng batas nang dahil sa layunin ng kasal o pag-aasawa ay para sa pagtatatag ng pamilya na magiging pundasyon ng institusyon na tinatawag na pamilya.
Subalit, hindi lingid sa kaalaman ng ibang kababaihan, marahil, dahil sa kahirapan ng buhay at kagustuhan nilang umangat ang estado ng kanilang pamumuhay, minsan ay naghahanap sila ng mapapangasawa mula sa mga dayuhang bansa. Ito ay hindi itinuturing na masamang gawain subalit, pinag-iingat ang kababaihan upang sila ay hindi mapariwara dahil lamang sa sila ay nagkamali sa paraang kanilang pinili upang magkaroon ng asawang banyaga.
Sa pagpasa ng Republic Act 6955 o mas kilala sa titulong “Mail-Order Bride Law”, inihahayag ng estado na labag sa batas ang gawaing ipareha ang Pilipina para ipakasal ito sa banyaga sa pamamagitan ng mail-order basis. Ang polisiya ng batas na ito ay pasiguruhan at bigyan ng garantiya na tamasahin ng mamamayan ang disenteng paraan ng pamumuhay nang dahil dito, pinasisiguruhan ng estado na bigyang-proteksiyon ang kababaihang Pilipina upang sila ay hindi mapagsamantalahan nang dahil lamang sa kagustuhan nilang maging maayos ang kanilang pamumuhay.
Nakasaad sa Section 2 ng nabanggit na batas ang mga gawaing itinuturing na labag sa batas tulad ng mga sumusunod:
“SECTION 2. Pursuant thereto it is hereby declared unlawful:
(a) For a person, natural or juridical, association, club or any other entity to commit, directly or indirectly, any of the following acts:
(1) To establish or carry on a business which has for its purpose the matching of Filipino women for marriage to foreign nationals either on a mail order basis or personal introduction;
(2) To advertise, publish, print or distribute or cause the advertisement, publication, printing or distribution of any brochure, flier or any propaganda material calculated to promote the prohibited acts in the preceding sub-paragraph;
(3) To solicit, enlist or in any manner attract or introduce any Filipino woman to become a member in any club or association whose objective is to match women for marriage to foreign nationals either on a mail order basis or through personal introduction for a fee;
(4) To use the postal service to promote the prohibited acts in sub-paragraph 1 hereof.
(b) For the manager or officer in charge or advertising manager of any newspaper, magazine, television or radio station, or other media, or of an advertising agency, printing company or other similar entities to knowingly allow, or consent to the acts prohibited in the preceding paragraph.”
Layunin ng batas na ito na bigyang-proteksiyon ang kababaihang Pilipina na tinatrato bilang isang uri ng kalakal kung saan sila ay ipinapareha sa mga banyaga bilang kanilang magiging asawa. Sinuman ang mapatunayang lumabag sa alinman sa mga probisyong nabanggit ay maaaring maparusahan ng pagkakakulong nang hindi bababa sa anim na taon at isang araw subalit, hindi lalampas sa walong taon at pagbabayad ng multa na hindi bababa sa P8,000 subalit, hindi hihigit sa P20,000. Kapag ang lumabag sa batas na ito ay dayuhan, matapos na siya ay makapagsilbi sa kanyang sentensiya, siya ay agarang madi-deport at habambuhay na hindi na makababalik pa sa Pilipinas.





Comments