top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Iniwan ng ka-live-in, helper nagbigti

Maeng Santos
Jul 7, 2019
1 min read

DEDO ang 22-anyos na helper matapos magbigti ma­karaang makatalo ang ka-live-in nang magpasya ang babae na wakasan ang kani­lang relasyon sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa nakarating na ulat kay Valenzuela Police Chief Col. Carlito Gaces, alas-9:00 ng gabi nang matagpuan ng kanyang kapwa helper na si Mark Joshua Tioxon, 23, si Johnbert Antolin, na naka­bigti ng tela sa kanyang ku­warto sa Bgy. Gen. T. de Leon.

Ipinaalam ni Tioxon ang insidente sa live-in-partner ng biktima na si May Nidua.

Dinala si Antolin sa Va­lenzuela Medical Center su­balit, hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon sa pulisya, unang nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at kan­yang live-in partner nang sa­bihin ng babae na tapos na ang kanilang relasyon.

Inaabangan na ng pulisya ang resulta ng awtopsiya upang matukoy kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page