Inipit sa sapatos | ESTUDYANTE, KULONG SA DROGA

ISANG estudyante ang inaresto ng security guard ng eskuwelahan at dinala sa pulisya matapos itong mahulihan ng marijuana na isiniksik nito sa kanyang sapatos sa Bgy. Molino 4, Cavite City.
Kinilala ang estudyante na si John Wilfred Navarro, 19, estudyante ng Bacoor National High School.
Batay sa imbestigasyon, alas-9:30 ng umaga nang komprontahin ni Ronnie Alvarez, 39, public school teacher ng nasabing eskuwelahan ang suspek matapos nitong mapansin na kahina-hinala at nang kanyang lapitan ay may bigla umano itong isiniksik sa kanyang sapatos .
Dahil dito, agad nitong tinawag ang kanilang guwardiya na si Roilan Sevilla at pinakapkapan ang suspek.
Dito nakumpiska ang isang teabag ng marijuana.
Malamang na nagbebenta rin umano ang suspek ng iligal na droga sa mga kapwa estudyante.





Comments