Pagputol o pagsira ng anumang halaman sa pampublikong lugar
- BULGAR

- Jul 6, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Nais kong malaman kung may parusa ba para sa mga taong nagpuputol ng kahoy o sumisira ng halaman sa parke o gilid ng kalsada? — Chandler
Dear Chandler,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Republic Act (R.A.) No. 3571 o “An Act to Prohibit the Cutting, Destroying or Injuring of Planted or Growing Trees, Flowering Plants and Shrubs or Plants of Scenic Value Along Public Roads, in Plazas, Parks, School Premises or in any Other Public Pleasure Ground. Nabanggit sa Sections 3 at 4 ng nasabing batas na:
“Section 3. No cutting, destroying or injuring of planted or growing trees, flowering plants and shrubs or plants of scenic value along public roads in, plazas, parks, school premises or in any other public ground shall be permitted save when the cutting, destroying or injuring of same is necessary for public safety, or such pruning of same is necessary to enhance its beauty and only upon the approval of the Director of Parks and Wildlife. The cutting, destroying or pruning shall be under the supervision of the committee.
“Section 4. Any person who shall cut, destroy or injure trees, flowering plants and shrubs or plants of scenic value mentioned in the preceding sections of this Act, shall be punished by prision correctional in its minimum period to prision mayor in its minimum period.”
Samakatwid, malinaw sa nabanggit na probisyon ng batas na ipinagbabawal ang pagputol o pagsira ng mga kahoy, bulaklak o halaman na nakapagpapaganda sa gilid ng kalsada, parke, plaza o iba pang pampublikong lugar. Ang pataw na parusa sa kung sinumang lumabag dito ay anim na taon at isang araw hanggang walong taon na pagkakulong.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments