top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga vendor, out na sa Maynila, sure na ba 'yan mayor? Hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 6, 2019
2 min read

PRESIDENTIAL SON VS. “MANOK” NG PRESIDENTIAL DAUGHTER SA PAG­KA-SPEAKER?—Matapos ihayag ni Presidential Son, Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na gusto niyang maging House Speaker, kumalat ang balita na si Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab naman ang “manok” sa pagka-Speaker ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Presidential Daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ibig sabihin, dapat nang tigilan nina Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang bangayan sa Speakership kasi tila ang magbabanggaan sa pagka-Speaker ay ang Presidential Son at ang “manok” ng Presidential Daughter, period!

◘◘◘

EX-SEN. NENE PIMENTEL, KUNG KAILAN TUMANDA SAKA NAGPAKA-PRO-CHINA—Ayon kay ex-Sen. Nene Pimentel, wala raw masama sa pagpapahintulot ni P-Duterte na mangisda sa karagatan ng Pilipinas ang mga ma­ngingisdang Chinese.

Hay naku, kung kailan tumanda ay saka inilantad ni ex-Sen. Pimentel ang tunay niyang pagkatao, siya pala ay pro-China rin, buwisit!

◘◘◘

DIKTA NG CHINA SA PHIL. GOV’T., ITIGIL NA ANG ISYU TUNGKOL SA PANG­HI-HIT-AND-RUN NG CHINESE VESSEL SA BANGKANG-PANGIS­DA NG MGA MANGI­NGISDANG PINOY—Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipinatitigil na raw ng China sa Pilipinas ang isyu ng panghi-hit-and-run ng Chinese vessel sa bang­kang-pangisda ng mga mangingisdang Pinoy.

‘Sus, kaya naman pala sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), ang mga mangingisdang Pinoy ang kanilang sinisisi sa insidente sa West Philippine Sea (WPS) kasi ang dikta ng China sa Duterte gov’t., itigil na ang isyu, pwe!

◘◘◘

HINDI KAYA KA­ININ NI MAYOR ISKO ANG SINABI NIYANG OUT NA ANG MGA ILLEGAL VENDOR SA MAYNI­LA?—Nag-promise si Manila Mayor Isko Moreno na hindi na raw niya papayagang bumalik para magtinda sa Divisoria ang mga illegal vendor at kapag nakabalik daw ang mga ito, ibig sabihin, tumanggap na raw siya ng “tong”.

Talaga lang, ha? Eh, ang tanong: Hindi kaya kalaunan ay “kainin” ni Mayor Isko ang sinabi niyang out na sa Maynila ang mga illegal vendor? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page