top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga “collateral damage” na nangyayari sa operasyon ng mga pulis, ‘wag dedmahin!

Ryan B. Sison
Jul 6, 2019
1 min read

KASUNOD sa pagkamatay ng tat­long taong gulang na batang si Myka Ulpina na nabaril sa gitna ng engkuwen­tro sa pa­gitan ng umano’y mga tulak ng iligal na droga at mga pulis sa Rodriguez, Rizal, sinabi ng Commission on Human Rights (CHR) na kahit hindi maiiwasan ang tinatawag na “collateral damage” sa police operation, hindi umano dapat ded­mahin ang mga ganitong isyu.

Kung saan dapat magsagawa nang masusing imbestigasyon para mapatu­nayang walang nagawang pagkaka­mali ang mga pulis sa operasyon para madamay ang bata.

Gayunman, ipinaalala ng CHR sa gobyerno na tiyaking natutupad ng mga ito ang mga nakasaad sa Saligang-Batas at napoprotektahan ang ibang tao, lalo na kung magsasagawa ng mga hakbang na kinakailangang gamitan ng armas.

Samantala, sa rami ng mga engku­wen­trong naganap sa ating bansa, im­posibleng ngayon lang nangyari ang ga­nitong senaryo kung saan may nadamay na inosente na binawian ng buhay.

Subalit, ang tanong, kailan pa tayo ma­babahala para masolusyunan at ma­kagawa ng ligtas na hakbang hinggil sa nangyari?

Nakalulungkot dahil ang batang na­matay ay wala pang naiintindihan kung ano ang nangyayari sa kanyang kapali­giran.

Kaya ang panawagan natin sa mga kapulisan, mainam na sa bawat operas­yong gagawin, siguraduhin ninyong wa­lang ibang madadamay, partikular ang mga inosenteng batang walang kalaban-laban.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page