Mala-anghel vs. mala-manika byuti… MAGALING NA AKTRES, TODO-BILIB NA LABS NA LABS NG BF NA NEGOSYAN
- Janice DS Navida
- Jul 6, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
NAG-AALALA kami para sa magiging future ng magaling at lodi pa naman naming aktres sa piling ng kanyang businessman boyfriend.
Kung ang pagbabasehan kasi ay ang mga sweet photos sa social media ng mag-boyfriend, iisipin mong truly madly deeply in love ang guy sa byuti at magaling na aktres.
Ang siste, recently lang, may nakakita sa businessman sa opening ng isang bar sa BGC sa Taguig na nilalandi-landi ang maganda at seksing aktres na kasamahan pa naman sa network ng kanyang GF na magaling na aktres.
Mas bata sa GF niya ang seksing aktres na nilalandi-landi ni Mr. Businessman. Pero buti na lang, ‘di flirt ang seksing aktres dahil NR as in NO REACTION siya sa pagpapapansin at panlalandi ng businessman.
Naku naman, ‘no! ‘Di pa ba nakuntento ang negosyante sa mala-anghel na byuti ng kanyang GF? Sabagay, parang manika naman kasi ang ganda ng seksing aktres kaya ‘di rin puwedeng isnabin.
‘Yun na!





Comments