top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kapitbahay pinagtulungang patayin | NANAY ARESTADO, 3 ANAK WANTED

Mylene Alfonso
Jul 6, 2019
1 min read

TIMBOG ang ina ha­bang tinutugis ng Manila Police District ang tatlo ni­tong anak na inakusahang nagtulung-tulong para pata­yin ang kanilang kapitbahay sa Tondo, Manila.

Alas-5:54 ng madaling-araw nang ideklarang patay sa Jose Reyes Memorial Me­dical Center ang bikti­mang si Robert delos Reyes, sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang tumakas ang mga suspek na si Margie Usison at tatlo pang suspek na sina Renjie, Ronald at alyas Tokwa, pawang nasa hustong gulang.

Naaresto sa follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Colonel Reynaldo Mag­daluyo, ang suspek na si Mar­gie habang patuloy na tinutugis ang kanyang mga anak.

Ayon kay PSSg. Rode­rick Magpale, alas-5:15 ng madaling-araw nang mang­yari ang pamamaril sa harap ng bahay ng biktima.

Una rito, nakatayo la­mang sa labas ang biktima nang lapitan ng isa sa mga Usison habang nakapaligid ang iba pang kapatid at ina saka pinagbabaril ito bago nagsitakas. Matagal na uma­nong may alitan ang biktima at ang Pamilya Usison.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page