Hirit ng DOLE | 14TH MONTH PAY SA PRIVATE, OKS

NAGPAHAYAG ng suporta ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa panukalang nagnanais bigyan ng 14th month pay ang mga manggagawa sa pribadong sektor.
Sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, suportado ng kagawaran ang mga makabubuti sa kapakanan ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya.
Gayunman, kailangan umanong tiyakin ng panukala na balanse ang pangangailangang pinansiyal ng mga manggagawa at kakayahan ng mga kumpanya na magbigay ng additional pay.
Pag-aaralan din aniya ng DOLE ang epekto ng panukalang 14th month pay sa ekonomiya ng bansa.
Matatandaang, binuhay ni Senate President Tito Sotto III ang Senate Bill 10 o “An Act Requiring Employers in the Private Sector to Pay 14th Month Pay” na nakabimbin sa Senado noon pang Hulyo 16.
Sa ilalim ng panukala, lahat ng rank-and-file employees na nakapagtrabaho ng hindi bababa sa isang buwan ay makatatanggap ng 14th month pay.





Comments