top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ELITE, ‘DI PINAPORMA ANG HOTSHOTS SA OT GAME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2019
  • 1 min read

TINULDUKAN ng Blackwater Elite ang five-game winning streak ng Magnolia Hotshots matapos nilang hablutin ang 104-99 overtime win kagabi sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Kumayod sina Roi Sumang at Michael Di Gregorio ng tig-19 at 15 markers para sa Elite na inilista ang 6-3 record, habang nalasap ng Hotshots ang pangatlong talo sa walong laro.

Bahagyang nahirapan ang Hotshots sa unang dalawang periods, lamang lang sila ng apat na puntos, 43-39 sa halftime.

Hindi naman hinayaan ng Elite na makalayo ang Pambansang Manok Magnolia, naitabla nila ang iskor sa 61 papasok ng fourth quarter. Parehong ayaw magpatalo ng Hotshots at Elite sa fourth canto kaya naman nagkaroon ng extra period.

Samantala, pakay ng Alaska Aces at Rain or Shine Elasto Painters na kalsuhan ang kanilang kamalasan pero, isa lang sa kanila ang maaaring umabante dahil sila ang magkatapat ngayong alas-6:45 ng gabi sa parehong lugar.

Sumadsad ang Aces sa kanilang huling tatlong laban habang iniinda ng Elasto Painters ang two-game skid nila. May kartang 4-5, kakapit ang Alaska kay import Diamon Simpson upang makuha ang importanteng panalo at lumakas ang tsansa na makapaglaro sa susunod na phase.

Tangan naman ng Rain or Shine ang 3-5 card, ibabangga naman nila si former best import Denzel Bowles kasama sina two-time Most Valuable Player (MVP) James Yap, Beau Belga at Gabe Norwood. “Nakaka-frustrate to see your import doing his best but the locals are not being consistent. You see them play good one game, then off the next,” hayag ni RoS head coach Caloy Garcia. Magkakaldagan sa unang laro ang Phoenix Fuel Masters at Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page