top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Taumbayan, pinulsuhan sa agawan sa Speakership

Mylene Alfonso
Jul 5, 2019
1 min read

WALUMPU’T LI­MANG porsiyento umano ng mga Pilipino ang nagsalita na kung sino ang nais nilang maging lider sa Kamara.

Sa isinagawang survey ng RP-Mission and Deve­lopment Foundation, Inc. (RPM­Dinc), si Leyte Cong. Martin Romualdez ang ka­nilang ‘top choice’ na naka­ku­ha ng thirty percent (30%), sinundan ni Taguig Cong. Alan Peter Cayetano na may 23%, habang si da­ting Speaker Pantaleon Al­varez naman ay nakakuha ng 18% at ang panghuli ay si Marinduque Cong. Lord Al­lan Velasco na may 14%.

Sa nationwide survey, lumitaw na si Ro­mualdez ang no.1 choice sa Visayas (35%), Balance of Luzon (31%) at Mindanao Regions (23%).

Sa National Capital Re­gion (NCR), nanguna naman si Cayetano na may 33%, pumangalawa si Romualdez na may 27%.

Samantalang, sa Balance of Luzon, pu­mangalawa na­man si Cayetano na may 25% at kay Romualdez na may 31%.

Sa Visayas Regions, si Velasco ay na­kakuha ng 19% na pinangungunahan pa rin ni Romualdez na may 35% at si Cayetano na nasa pangalawang puwesto na may 21%.

Sa Mindanao, statisti­cally tied naman si Romual­dez na may 23% kay Alva­rez na nakakuha ng 20%.

Ayon kay Dr. Paul Mar­ti­nez ng RPM­Dinc, ang in­coming members sa House of Representatives ay nasa “turmoil stage” at obligas­yon nilang pulsuhan ang sen­timyento ng kanilang cons­tituents at umaasa na paki­king­gan nila ang boses ng kanilang nasasa­kupan.

Ang non-commissioned survey ay ginanap noong July 26-31, 2019 na may 3,500 registered voters, na­tionwide at may 3% +/- mar­gin of error.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page