Taas-presyo sa gatas at kape, kasado na

NAKATAKDANG ipatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) sa susunod na linggo ang pagtataas sa presyo ng kape, gatas at patis matapos itong aprubahan, kahapon.
Sa report ng ahensiya, nasa P0.50 hanggang P2 taas-presyo sa kada lata ng gatas, P0.50 hanggang P0.80 sa patis at P1 sa kada pakete ng kape.
Ayon kay Ruth Castelo, DTI undersecretary for Consumer Protection, pinag-aralan nilang mabuti ang pagpapatupad ng pagtaas sa presyo ng mga nasabing produkto.
Aniya, ang epektibo ng taas-presyo ay 15 araw matapos mailathala ng DTI ang updated suggested retail prices (SRP) sa mga pahayagan.
Gayunman, binatikos ng consumers group na “Laban Consumers” ang ginawang pagpayag ng DTI na itaas ang presyo ng kape, gatas at patis nang walang konsultasyon sa mga consumer.





Comments