SILAB VS. ELECTRIFY SA 3-YO GROUP RACE

SA pagpapatuloy ng Additional One Win in Group Races sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas, magaganap ang condition Race, Group Race at 3 Year Old Group Race ngayong gabi.
Kasabay nito, magaganap ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa pitong karera sa Batangas ngayong gabi. Sa Race 1, unang magaganap ang WTA at pinapaboran ang Alupay Star at couple entry na Charger, Daldalero at Gold Fisher.
Sa Race 2, nakalalamang ang Yes All Wee Bet habang ang Pious Ashley ang makakalaban nang mahigpit at ang Zophany Dane ay may tsamba sa laban sa panimula ng Pick 6.
Ipinapatok ang Silab habang ang Electrify ang makakalaban sa Race 3 na panimula ng Pick 5. Sa Race 4, magaganap ang Pick 4 at ipinapatok ang Baisakhi habang ang couple entry na Tubig at Langis at Rapids Run ang mahigpit na makakalaban.
Mahigpit na makakalaban ng Kingship ang Headmastership at Secret Affair habang ang Weemissjerre ay asahan na makikita sa unahan sa pagtikada ng Race 5.
Labanang umaatikabo sa pagitan ng couple entry na Samantha’s Best at Pabulong, Daginding at Avenue Shopper sa Race 6. Sa Race 7, binibigyan ng magandang laban ang Rosario Princess, Quincy at ILoveHenry na magsisilbing paratingan sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Entry No.3 Alupay Star (5) Double Rock (1) Race 2- Yes All Wee Bet (3) Pious Ashley (7) Race 3- Silab (4) Electrify (9) Claudia’s Pride (7) Race 4- Baisakhi (3) Entry No.1 Race 5- Kingship (6) Headmastership (5) Race 60 Entry No.1 Daginding (7) Race 7- Rosario Princess (5) ILoveHenry (3) Quincy (8) WTA (1-7) 3-5-1/3-7/4-9/3-1/5-6/1-7/5-3-8 Pick 6 (2-7) 3-7/4-9/3-1/5-6/1-7/5-3-8 Pick 5 (3-7) 4-9/3-1/5-6/1-7/5-3-8 Pick 4 (4-7) 3-1/5-6/1-7/ 5-3-8





Comments