Rider dedbol sa AUV
QUEZON—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo sa AUV, kamakalawa sa Bgy. Kanlurang Mayao, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawi na si John Aguila, samantalang, ang sugatan ay si Kenneth Glodoveza, kapwa nakatira sa Bgy. Binahaan, Pagbilao sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Aguila sa pagmamaneho ng motorsiklo habang angkas si Glodoveza kaya bumangga sila sa Toyota RAV-4 na minamaneho ni Melody Paz.
Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Aguila.





Comments