top of page
Pokwang.jpg

NBA FINALS MVP LEONARD, MANANATILI SA RAPTORS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2019
1 min read

POSIBLENG manatili pa rin sa champion team ng Toronto Raptors ang finals MVP na si Kawhi Leonard ayon sa huling report ng NBA.

Diyan naman naniniwala ang retiradong NBA player at dating Raptors na si Jalen Anthony Rose.

Bilang isang analyst ng ESPN, sinabi ni Rose na tiyak na may 99 percent na hindi matatanggihan ni Kawhi ang magiging alok ng Raptors bagamat, may ilang negosasyon ang NBA superstar sa ibang koponan habang umiiral ang free agency ngayong linggo.

Idinagdag pa ni Jalen, sa walong taon sa team ni Leonard, gusto nitong kumpletuhin ang sampung taon niya bilang player sa naturang koponan. Maaaring sa pagtatapos niya sa taong 2021 ay qualified na si Kawhi na mapag-agawan sa mas malaking presyo ng suweldo o maximum contract na aabutin ng 35 percent salary cap. “What I’m 99 percent hearing is that Kawhi Leonard will be returning to Toronto and signing a two-year contract,” ani Rose sa programang ESPN Get Up. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page