Nag-contract signing na… PIOLO, JOIN KINA JOHN LLOYD AT BEA

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

BUKOD sa pagsasama nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, join din sa kanila ang aktor na si Piolo Pascual.
Spotted silang magkakasama sa contract signing bilang endorser ng Shawarma brand na Turks. Dito rin unang lumabas si John Lloyd matapos na pansamantalang magpahinga sa showbiz noong 2017.
Isa rin si Piolo Pascual sa nagpahayag na excited na siya sa muling pagbabalik ni JLC.
Wish tuloy ng mga netizens na makitang magkakasama ang tatlo sa isang pelikula dahil tumatak na rin sa mga ito ang galing nila sa pag-arte.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
“Movie for these three sana.”
“Ang saya nila. Nagbabalik sa aking alaala ang pagsasama nilang dalawa. Thanks, I see them again.”
“Du’n pala sila nagsama. Sana, sa susunod, movie na.”
“Kinilig akong makita silang magkakasama, hahahahahahhahaha.”
“Pogi pa rin ng Papa John Lloyd ko.”





Comments