May banta man ng giyera o wala | Militar ng bansa, dapat laging matatag at handa

PANSININ natin ang matatag at progresibong mga bansa sa mundo, lahat ng mga ito ay may malakas na militar na tagadepensa ng kanilang kalayaan at demokrasya.
Hindi ibig sabihin na kapag may matatag na militar ang bansa ay makikipagiyera na agad. Mas mainam lang na handa ang bansa para sa anumang mangyayari sa paligid. May banta man o wala, dapat palagi tayong handa.
Noong sikat ang ating militar, marami sa kabataan ang gustong pumasok sa Philippine Military Academy (PMA) o sumali sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) dahil nais nilang magsilbi sa bayan.
Nakalulungkot isiping mula nang pumasok ang dilawan sa sistema noong 1986, bumagsak ang ating militar.
Kasabay nito, humina ang pagiging makabayan ng kabataan, ang tinatawag na nasyunalismo.
Mas marami sa kabataan ang nais pumunta sa abroad sa halip na magtrabaho sa sariling bansa, naging mababaw ang pag-iisip ng kabataan na puro pagsasayaw at kanta ang iniisip nang mawala ang ROTC sa high school at kolehiyo.
Pinabayaan ng dilawan ang militar kaya bumaba ang moral ng mga miyembro nito, kinaltasan daw nila ng budget ang mga ito kaya bumaba ang suweldo ng mga sundalo at pulis, puro luma ang kagamitan ng army, navy, air force at iba pang hugpong ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Si dating Pangulong Fidel V. Ramos, ibinenta ang Fort Bonifacio para umano sa modernisasyon ng AFP.
Pero, walang nangyaring modernisasyon, anong nangyari sa bilyun-bilyong pera mula sa pagbenta ng Fort Bonifacio, saan o kanino ito napunta?
Hindi ito tama, mahalaga ang progresibong military, lalo na sa panahon ngayon na hindi mo alam kung puputok ba o hindi ang World War III, magsisimula ito kung lulusubin ng U.S. ang Iran, naggigirian pa rin ang mga ito.
Sa totoo lang, sa tingin natin ay suwerte ang Pilipinas sa pagboto kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang lider ng bansa noong 2016.
Matalino ang pangulo, alam niyang mahalaga ang papel ng militar sa pag-unlad ng bansa.
Ang iba kasi riyan, masyadong makitid mag-isip. Akala nila kapag may malakas na militar, makikipagdigmaan agad ang Pilipinas. ‘Sus, huwag kayong “boba” tulad ng babaeng opisyal d’yan.
Maraming ginagawang serbisyo ang AFP para sa bansa, halimbawa, ang Philippine Air Force natin.
Sabi ng mga “engot” d’yan, bakit may air force pa raw tayo, wala naman tayong fighter jets na ala-“Top Gun” ni Tom Cruise?
Pagpasok ng pangulo, isa sa mga una niyang inayos ay ang modernisasyon ng ating air force dahil umunlad ang ating ekonomiya, nakabili ang administrasyong Duterte ng Air Defense Radar System at FA-50PH flight simulator.
Gayundin, nag-order sila ng anim na A-29B Super Tucano aircraft pati na rin ang dagdag na utility vehicles, drones at iba pang command at control fixed-wing aircraft.
Huwag nating kalimutan na arkipelago tayo, mahirap bantayan ang lahat ng gilid ng ating bansa dahil pinaliligiran tayo ng napakaraming isla, 7,100 ang total na bilang ng ating isla.
Ang mga eroplano lang ng air force ang makapagpapatrulya nang husto sa ating malawak na teritoryo pati na sa mga dagat na bahagi ng ating Exclusive Economic Zone (EZZ).
Samantala, binabantayan ng air force ang Malampaya Natural Gas Plant na nasa baybayin ng Palawan at tumutulong din ang mga ito sa anumang rescue at relief operations kapag may bagyo at iba pang sakuna.
Kaugnay nito, tinataasan na ang suweldo ng mga sundalo, gayundin, ang combat pay ay ginawang P3, 000 kada buwan mula sa napakaliit na P500 kada buwan.
Mahalaga ang papel ng Philippine Army sa pagpapatibay ng seguridad ng ating bansa. Tingnan na lang natin ang nangyari sa Marawi City.
Matapang na nakipaglaban ang ating mga sundalo sa mga terorista na may napakalakas na mga armas. May RPG (remote propelled grenade) pa ang mga ito at may dayuhang mersernaryo rin silang nakuha.
Salamat at napulbos ang mga teroristang ito (Maute at ISIS), marahil, naging teritoryo na ng ISIS ang Marawi City.





Comments