top of page

Kahulugan na sobrang nakaaakit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2019
  • 1 min read

Dear Professor,

Ano ang kahulugan ng panaginip kong mang­kok na maliit at cell­phone?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Lyn

Sa iyo Lyn,

Ang mangkok, iha, ay ang plato na puwedeng lagyan ng sabaw. Isang klase ito ng pinggan na medyo malalim ang pina­kagitna, pero hindi ito ang lalagyan mismo ng sabaw.

Ang pinggan kapag na­panaginipan, ang nana­ginip ay makikitang guma­ganda at sumi-sexy. Ito ay bihirang mapa­na­ginipan ng mga lalaki dahil ito ay sumisimbolo sa balakang at dibdib ng mga babae.

Dahil dito, pinaniniwa­laang ang nanaginip ay sobrang nakaaakit hindi lamang sa mga mata ng kalalakihan kundi maging sa kapwa niya babae.

Para mapakinabangan mo ang magandang balita mula sa iyong panaginip, bakit hindi mo subukang mag-request ng kahit na ano sa mga lalaking naka­dikit sa iyo?

Dahil maliit ang mang­kok na nasa panaginip mo, ang pahabol na kahulugan ay ikaw ngayon ay super cute kaya mas lalong hindi ka tatanggihan ng mga lantad at lihim na huma­hanga sa iyo.

Ang cellphone ay sim­bolo ng komunikasyon kaya ang payo para sa iyo ay alisin mo ang pagiging mahiyain, mas maganda na maging palakaibigan ka at sweet sa mga naka­ka­usap mo.

Para malinaw, walang makatatanggi sa iyo. Ito mismo ang mensahe ng iyong panaginip.

Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page