Habang walang show sa 'Pinas… GLAIZA, 3 BUWAN SA LONDON KASAMA ANG IRISH BF


HABANG wala pang seryeng pagkakaabalahan, lumipad na papuntang London, England ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro upang mag-aral ng special course sa music composition and production.
Tatlong buwan din siyang mag-aaral sa London, pero mas magiging madali na ito para kay Glaiza dahil makakasama niya ang kanyang Irish BF na si David Rainey.
Last February nang mag-celebrate ng kanyang 30th birthday si David sa London at na-meet na roon ni Glaiza ang parents ng kanyang boyfriend.
Pinakabakasyon at pahinga na rin ng aktres ang pananatili niya sa London at hindi na mag-aalala sa kanyang financial matters.
Nakapag-ipon at nakapagpundar na rin naman si Glaiza sa panahon ng kanyang pamamalagi sa GMA Network.





Comments