top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Erap, natalo man sa pagka-mayor, baka maging "mayor" naman sa selda? Hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2019
2 min read

EX-MAYOR “ERAP”, BAKA MA­GING “MAYOR” SA SELDA — Sa tema nang ibinulgar ni Mayor Isko Moreno na isang buwan bago matapos ang termino ni ex-Mayor Joseph “Erap” Estrada ay lumagda raw ito ng mga kuwestiyu­nableng commercial contract na worth P2.9 billion, tila nais nitong sampahan ng kasong katiwalian ang dating alkalde.

Naku, kapag nang­yari ‘yan, natalo man sa pagka-mayor si “Erap”, baka maging “mayor” naman siya sa selda, boom!

◘◘◘

MGA MANGINGIS­DANG PINOY, MUN­TIK NANG MALU­NOD, SINISISI PA NG COAST GUARD?—Ang sabi ni DFA Sec. Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. base raw sa imbestigasyon, ang mga mangingisdang Pinoy daw ang sinisisi ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagkakabang­ga ng Chinese vessel sa kanilang bangkang-pangisda sa West Philippine Sea (WPS).

Aba, kung ganyan, dapat palitan na ang pangalan ng Philippine Coast Guard at gawin itong China Coast Guard kasi muntik nang mamatay sa lunod ang 22 mangingisdang Pi­noy na iniwan sa laot ng Chinese vessel mata­pos maganap ang pagbangga sa kanilang bangka tapos sila pa ang sinisisi ng PCG, buwisit!

◘◘◘

PARA KAY SEC. LOCSIN, ANG PA­GI­­GING MA­KA­BAYAN AY MANG-IN­SULTO NG KAP­WA — Matapos ma­ka­ti­kim ng batikos sa pagtawag na “boba” kay Vice-Pres. Leni Rob­re­­do, sinabi ni Sec. Locsin na never daw siyang titigil sa pagpo-post sa social media dahil “patriotic duty” daw niya ito para matigil na “katanga­han” ng kanyang mga kritiko.

Ganu’n? Ang panini­wala pala ni Sec. Locsin sa pagiging makabayan ay mang-insulto ng tao? Pwe!

◘◘◘

PNP, DAPAT MA­GING MAINGAT SA DRUG-BUST PARA WALANG MADA­MAY AT MAPATAY NA BATA—Malaking sablay ang ginawang drug-bust operation ng Rodriguez police sa Rizal province kasi napatay nila ang drug suspect na si Renato Ulpina, pero napatay din nila nang tamaan ng ligaw na bala ang tatlong taong gulang na anak nito.

Next time, maging maingat sana ang kapulisan sa kanilang mga drug-bust operation para walang madamay at mapatay na bata, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page