top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Blind item ng radio DJ… OGIE, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA 2 BESES NABUNTIS AT NAKUNAN SI LIZA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2019
  • 3 min read

OBYUS na galit dahil may kasamang pagbabanta ng demanda ang Facebook post kahapon (July 4) ng talent manager na si Ogie Diaz dahil sa isang malisyosong blind item tungkol sa alaga niyang si Liza Soberano.

Sa kanyang FB account, mababasa ang mahabang open letter ng amin ding kasamahan sa panulat na tinawag ang atensiyon ng radio DJ na si Glenn Dy a.k.a. Kapitana Sisa ng Energy FM 106.7.

Panimula ni Ogie Diaz…

“Dear Kapitana Sisa,

“Bakit mo tinanggal ‘yung uploaded video mo sa You­Tube? ‘Kala ko naman, pinani­nin­digan mo ‘yung itsinika sa ‘yo ng source mo against Liza So­berano? O, eh, bakit nawala?

“Kasi nga, fake news at binobomba ka ng mga fans ni Liza at ng LizQuen sa paninira mo. Lalo na at ang lala ng blind item mo. At ikaw mismo ang nag­tuturo na si Liza ang tinutukoy mo.

“Grabe ka din sa pag­gawa ng ingay. Kaso, in a notorious way. Mas importan­te sa ‘yo ang maging controversial kesa maging credible.”

Kinuwestiyon ni Ogie a.k.a. Ms. O, ang kredibilidad ng blind item ni Kapitana Sisa dahil paiba-iba raw ang sinasabi nito.

Aniya, “Kapitana, nagba-blind item din ako. Pero dapat, may basis ka. Lalo ka na, ‘yung YouTube live mo, paiba-iba ang source mo, halatang nag-iimbento ka.”

Dagdag pa ng talent manager, ginamit ng naturang radio DJ ang blind item kay Liza para kumita.

“71 minutes mong “sinalsal” ang blind item mo para pagkakitaan. Yes, pagkakitaan.

“Nanghihingi ka ng ‘padilaw’ ($10) sa mga nanonood sa ‘yo para magbigay ka ng clues pa more. Me style ka rin kung paano manghingi to a point na ipapa-Western Union pa ang padala sa ‘yo.”

Hindi nga naman kasi biro ang blind item kay Liza na itinuturing pa namang isa sa mga wholesome young actresses ng network at may maganda at malinis na imahe.

Patuloy ni Ogie sa kanyang post, “Sabi mo nu’ng una, itsinismis sa ‘yo ng isang source mo sa loob ng network. Nabuntis nu’ng una, nawala. Nabuntis nu’ng pangalawa, nawala uli. So kelan naman nakaiskedyul ‘yung pangatlo at pang-apat na pagbubuntis? Baka puwedeng sa susunod, mabuo na for a change.

“Tsismis lang, tapos, ang ending, ‘di ka yata aware na kinonfirm mo na totoo ang tsika mo. Ano ba talaga?” pasarkas­tikong hirit ng talent manager.

Paghahamon pa ni Ogie Diaz kay Kapitana Sisa, “Kung confirmed ang nakarating sa ‘yo, suportahan mo ng ebiden­si­ya kung saang ospital nagpa­raspa at hawak mo ang record or certification kung ano ang ginawa sa kanya.

“Go ka din sa ospital sa US and research kung totoo. O kahit ospital dito kung me­rong naganap na raspahan.

“Kung mapatunayan mong totoo ‘yang claim mo (at binang­git mo pa talaga ang name ko kaya um-obvious ang tsika mo), bigyan kita ng isang milyong piso (yes, P1 M) para hindi ka na nang-uuto ng subscribers mo. Totoo ‘yang hamon ko.

“Pero kung mapatunayan nating nag-iimbento ka na may source ka, kahit isang kutos lang sa ulo mo, happy na ako,” obyus na gigil pang hirit ng talent manager.

Ang ipinupunto ni Ogie, gustong makahakot ng subscribers at kumita ng naturang DJ sa pamamagitan ng pagba-blind item nang wala namang matibay na basehan.

“Saka bakit kailangan mong manghuthot sa audience mo ng pera at the expense of other people?

“Sana naman, nakatulong sa ‘yo si Liza sa panghuhuthot mo sa YouTube live mo. Kaso you went overboard, eh. Masyado mong in-enjoy ang pag-akyat ng live views mo na konti na lang at magpa-500 na, sabi mo.

“Ate, dalawa lang kung gusto mong maging famous sa social media. Gawa ka ng mabuti o gawa ka lang ng masama. Ikaw ngayon ang mamili kung alin ka diyan sa dalawa,” tuluy-tuloy pang sabi ni Ms. O.

Tinawag din ni Mareng Ogie ang atensiyon ng Energy FM 106.7 kung saan isa nga sa mga DJs si Kapitana Sisa.

Aniya, “Nagha-hire ng ganitong klaseng tao ang Energy FM 106.7? Naninira ng tao para lang kumita? Pero kung ok lang sa kanila ‘yung ganu’ng attitude ng worker nila, sana naman ‘wag madamay ‘yung ibang DJs at ang reputasyon ng inyong istasyon na good music at good vibes lang ang hatid.”

At huling mensahe pa niya sa radio DJ, “If I were you, Kapitana... habang ang marami ay nagdarasal para sa fast recovery ni Liza sa kanyang finger surgery na katatapos lang few hours ago sa US, magpagaling ka din ng ubo mo para maayos ang latag ng mga tsika mo. — Mama Ogs

“PS.... Na-save pala namin ang video and kokonsulta kami sa lawyer.”

‘Yun lang!

As we write this, tsinek namin ang Instagram account ni Kapitana Sisa kung ano’ng reaksiyon niya sa inilabas na open letter ni Ogie Diaz, pero so far, wala pa kaming nakikitang bagong post niya kaugnay ng pagbabanta ng manager ni Liza Soberano.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page