2 tulak nasakote sa buy-bust
NUEVA ECIJA—Dalawang drug pushers ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Rafael Rueda, San Jose City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Leomar Tandaan at Nelson Acain, kapwa residente sa Bgy. Tayabo sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng apat na sachets ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments