top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

WALA MANG KRYPTONITE SI ‘SUPERMAN’ GOMEZ, ‘DI NAGPATIBAG SA 10-BALL U.S.

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Jul 4, 2019
  • 1 min read

WALANG bitbit na kryptonite ang mga bumangga sa manunumbok ng Pilipinas na si Roberto “Superman” Gomez kaya matikas itong umangat sa dalawang salpukan kamakailan upang pangunahan ang mga Pinoy na nagmamarka sa iba’t-ibang parte ng globo.

Sa 10th Annual Richard Sweet Memorial 10-Ball Tournament na ginanap sa palaruan ng Mr. Cues Billiards sa Atlanta, Georgia, dalawang beses na pinatiklop ng tubong-Zamboanga si Jonathan Hennessee sa huling dalawang laban upang angkinin ang trono ng torneong pinag-ambisyunan ding dominahin pero, nabigong makamit ng 100 iba pang manunumbok.

Kay Gomez din napunta ang winner’s purse nang matapos ang Clash of the Titans na duwelo nina Gomez at Justin “Iceman” Bergman sa Fort Worth, Texas kamakailan.

Bukod kay Gomez, naramdaman din ang angas nina Jonas Magpantay, Roland Garcia, Alex Pagulayan at Rodrigo Geronimo.

Sa Pattaya, Thailand, nagmarka si Magpantay nang magkampeon ito sa Double Kiss Anniversary Cup 9-Ball Open Tournament. Ang kampeonato ay nagkakahalaga ng THB 30,000 para sa cue artist mula sa Mindoro.

Samantala, hindi rin napigilan si Garcia, may-ari ng bridesmaid gem noong 2017 WPA World 9-Ball Championship, sa paglalakbay patungo sa trono ng 2019 Joy Thailand Chinese 8-Ball Masters sa Show DC Mall Rama 9.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page