top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

VOSOTROS AT BARACAEL, SOLID SA MINDORO AT CALOOCAN NG MPBL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 4, 2019
1 min read

NAKAPAGTALA ang expansion team Mindoro at Caloocan ng kani-kanilang panalo sa MPBL Lakan Season habang nakaresbak ang Bulacan kontra powerhouse Basilan noong Martes ng gabi sa larong idinaos sa Bulacan Capitol Gymnasium. Nanaig ang Tamaraws sa Parañaque Patriots, 63-61 sa bisa ng solidong laro ni Mac Baracael. Mula sa pagiging player ng PBA, nakapag-ambag si Baracael ng 12 puntos at 10 rebounds habang nakatulong din sa kanya si Sandy Cenal na higit na aktibo sa opensiba.

Nakagawa si Cenal ng 16 puntos. Samantala, tulad ng Mindoro, naampat na ang pagdurugo ng sugat ng Caloocan. Wala mang panalo sa tatlong laro, tinapos na ng Supremos ang pagkamiserable nang talunin ang Zamboanga, 83-74.

Pinangunahan ni Almond Vosotros ang pagiging high-scoring guard para sa Supremos nang tumarak siya ng 31 puntos upang iangat ang nakaaalarmang pagsadsad ng tropa sa standings. Sa pagsasara ng laro, pinatahimik ng Bulacan ang bomba ng Basilan squad sa 65-55 na panalo. “We really want to keep the score low,” ayon kay head coach Britt Reroma. “We know that Basilan is a high-scoring team, so we decided to engage them to a defensive struggle.” (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page