Vendor binaril sa sabungan, dedbol
- Levi Gonzales
- Jul 4, 2019
- 1 min read

DEDO sa dalawang tama ng bala sa ulo ang isang meat vendor matapos barilin sa Maharlika Highway, Bgy. Sto. Cristo, Sariaya, Quezon.
Kinilala ang biktimang si Rolando Flores, 53, may asawa, ng Bgy. Tumbaga 1.
Batay sa imbestigasyon, palabas ng Sariaya Sports Complex/Cockpit Arena ang biktima at bago umuwi sa kanilang bahay nang biglang lapitan ng suspek at dalawang beses na binaril.
Agad itong namatay sa lugar habang tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo patungo sa Maharlika Highway.





Comments