KING GIL AT BACKDOOR COVER, KICK BACK, PATOK
- Ding Taboy
- Jul 4, 2019
- 2 min read

BALIKATAN ang mangyayaring laban ngayong gabi sa pag-alagwa ng Additional One Win In Group Races sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Magsisimula ang karera sa ganap na alas-6:30 ng gabi na kapapalooban ng Winner Take All (WTA), Pick 6, 5 at Pick 4. Sa Race 1, labindalawang kabayo ang maglalaban na pinapaboran ang Hold On at Hayaku Jabez na simula ng WTA. Sa pagsisimula ng Pick 6 sa Race 2, magkakalaban ang couple entry na Allbymyself, Sabtang Island, Kay Tagalog, Hold Me Tight Baby at Simply Believe.
Nakalalamang ang King Gil sa pagtikada ng Group Race (10) at makakalaban ang Winning Move at Joem’s Gal na umpisa ng Pick 5 sa Race 3. Nakalalamang ang Twilight Ingrid laban sa Attila, Boundary at entry no.1 na simula ng Pick 4 sa Race 4.
Sa Race 5, nakalalamang ang Backdoor Cover, habang makakalaban ang Clear Talk at El Mundo sa pagtikada ng Group Race (8-9). Nakalalamang ang couple entry na Indiana Sky at Cats Dream sa mga kalabang Absoluteresistance at Real Steel sa Group Race (11) sa Race 6.
Sa Race 7 kabilang ang Kickback habang, ang Crowned Prince at Black Rampage ang tatalo at ang Ravel ang maituturing na kalaban sa pag-alagwa ng 3 Year Old Maiden Race.
Tip ni Mang Ding: Race 1 Hold On (12) Hayaku Jabez (4) Race 2- Entry No.3 Simply Believe (5) Race 3- King Gil (5) Winning Move (6) Race 4- Twilight Ingrid (5) Attila (2) Race 5- Backdoor Cover (8) El Mundo (7) Race 6- Absolute Resistance (5) Entry No.3 Race 7- Kick Back (3) Ravel (5) WTA-(1-7) 12-4/3-5/5-6/5-2/8-7/5-3/3-5: Pick 6 (2-7)3-5/5-6/5-2/8-7/5-3/3-5: Pick 5 (3-7) 5-6/5-2/8-7/5-3/3-5: Pick 4 (4-7) 5-2/8-7/5-3/3-5





Comments