top of page

Kaalaman tungkol sa leptospirosis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 4, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Madalas binabaha ang aming lugar kaya natatakot akong ma­kakuha ng sakit dahil sa ihi ng daga. Paano ba ito maiiwasan kung hindi naman maiwasan ang pag­baha? — Miguel

Sagot

Ang leptospirosis ay isang uri ng bacterial infection na dulot ng leptospira bacteria na nagmumula sa ihi ng mga hayop, partikular ng daga. Ang bakteryang ito ay madalas nakukuha sa baha at mga ilog. Kapag napabayaan ang impeksiyong ito, maa­ari itong kumitil ng buhay.

Paano nakukuha ang leptospirosis? Pumapa­sok ang mikrobyo sa balat o sugat sa pama­magitan ng tubig-baha, basang lupa o halamang may ihi ng kontami­nadong daga.

Narito ang mga sin­tomas ng leptospirosis:

  • pananakit ng ulo at binti

  • lagnat

  • panginginig

  • pananakit ng kalam­nan at kasukasuan

  • rashes

  • diarrhea

  • paninilaw ng balat at mga mata

Ano ang mabisang gamot para sa leptospirosis?

Maaaring bigyan ang pasyente nang mataas na dosis ng antibiotics na doxycycline (vibramy­cin, oracea at iba pa). Kung severe ang cases, kinakailangang dalhin ang pasyente sa ospital para sa IV fluid at antibiotic treatment, lalo na kapag naapektuhan ang liver at kidney ng pasyente.

Paano ito maiiwa­san?

  • iwasang luma­ngoy o lumusong sa baha at maruming tubig

  • gumamit ng bota at guwantes kung kaila­ngang lumusong sa baha at maruming tubig

  • sugpuin ang mga daga sa bahay, lalo na kung hindi maiwasan ang pagbaha sa inyong lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page