top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hamon kay Mayor Isko, kung totoong may nanuhol sa kanya ng P5 milyon, arestuhin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 4, 2019
  • 2 min read

SEN. 'BONG' GO, NAGPAKITANG-GILAS; 10 PANUKALANG-BATAS, AGAD ANG ISINULONG SA SENADO—Nang manungkulan bilang senador noong July 1, 2019, kinabukasan, July 2, 10 panukalang-batas agad ang isinumite ni Sen. Christopher “Bong” Go sa Senado at kabilang dito ang “Malasakit Center” para sa health care ng mahihirap na Pinoy at death pe­nalty sa mga drug trafficker at plunderer para ipakita sa publiko na hindi sayang ang boto sa kanya ng taumbayan.

Dahil sa pagpapakitang gilas ni Sen. Go sa Senado, isa na siya sa inaasahang magiging produktibong senador ng bansa, palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

IMBES NA TUTUKAN ANG PAGGAWA NG BATAS, PAGBO­BOKSING ANG INAATUPAG NI SEN. PACQUIAO — Nang manung­kulang senador noong 2016 si Sen. Manny Pacquiao, akala ng publiko ay tutuparin nito ang promise niyang titigil na siya sa boksing at tututok na sa paggawa ng mga batas.

Pero, hindi pala kasi nang maging senador, hanggang ngayon pagbo­boksing pa rin ang inaatupag niya, pwe!

◘◘◘

KUNG TOTOONG MAY NANUHOL NG P5 MILYON KADA ARAW KAY MAYOR ISKO, BA­KIT HINDI NIYA IPINAARES­TO?—Tapos na ang eleksiyon, pero si Manila Mayor Isko Moreno ay umeepal o nagpapapogi pa sa publiko na kesyo tinanggihan daw niya ang inaalok na suhol sa kanyang P5 million daily “tong” para raw huwag niyang paalisin sa Divisoria ang mga illegal vendor.

Kung totoong may nag-alok sa kanya ng P5 milyon daily “tong”, malinaw na labag sa batas ‘yan dahil bribery ‘yan, dapat ipinahuli niya ang nanunuhol sa kanya, pero ang masaklap, walang naganap na hulihan, boom!

◘◘◘

DAPAT IPATOKHANG NI MAYOR AFRICA ANG MGA MANRARAKET SA LIPA CITY—Pagkaupo raw sa puwesto ni Mayor Eric Africa bilang alkalde ng Lipa City, naglagay daw ng kanilang raket na drop balls at color games sina “Mora” at “Tomboy” sa Bgy. Tibig sa lungsod na ito.

Dapat ipatokhang agad ni Mayor Africa sina “Mora” at “Tomboy” na hindi niya kukunsintehin ang raket ng mga manraraket para raketin ang mga taga-Lipa City, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page