CP number na pang-forever, inilunsad na

INILUNSAD na ang mobile number portability.
Meaning, puwede na ang “CP number forever”!
◘◘◘
IPINATUPAD na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas tungkol dito.
Sa ilalim ng Republic Act 11202, tinitiyak na panghabambuhay na ang mobile phone number ng subscriber kahit magpalit siya ng network o mag-postpaid mula prepaid o vice-versa at wala itong bayad!
◘◘◘
KATUWANG ng NTC sa implementasyon si Eliseo M. Rio, Jr., acting secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Meaning, uupo ang bagong DICT secretary na si ex-Sen. Gringo Honasan nang nakalatag na ang lahat!
◘◘◘
AYON kay Rio, mas isasaalang-alang ngayon ng mga telco ang pagbibigay ng mga totoong serbisyo sa mga konsiyumer.
Game changer ini!
◘◘◘
KUNG hindi maganda ang nakukuhang serbisyo ng subscriber, makapipili na siya ng ibang telco na tunay na siyang pagseserbisyuhan.
Dahil dito, mas sisigla ang kompetisyon ng mga telco at siguradong magbebenepisyo tayong mga Pilipino!
◘◘◘
BUKOD sa pangmatagalan na ang mobile phone number, wala na ring extra charge kung tatawag o magte-text ang mga subscriber sa ibang network.
Nakatutuwa naman!
◘◘◘
NOONG nakaraang taon, nasa 74.1 milyon ang subscriber base ng Globe habang nasa 60.5 milyon naman ang tumatangkilik sa Smart, Sun at TNT na nabibilang sa PLDT Group.
Dahil dito, pinapurihan ni Sen. Sherwin Gatchalian si Rio at ang NTC sa kanilang inilabas na IRR!
◘◘◘
MAHABA ang deliberasyon sa Senado bago naaprubahan ang naturang batas.
Malaking bagay ito sa mga adik sa selpon.
He-he-he!





Comments