Bebot binaril ng ex-bf, patay

POSIBLENG selos ang nagtulak sa lalaki na barilin ang kanyang dating nobya kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Kinilala ang nasawi na si Gigi Despi, nasa hustong gulang, residente ng Bgy. Baclaran, na nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan. Pinaghahanap naman ang suspek na si Arnel Pareño, dating nobyo ng biktima.
Base sa isinumiteng report ni P/Major Jolly Soriano kay Parañaque Police Chief Colonel Rogelio Rosales, nangyari ang pamamaril alas-9:06 ng umaga.
Nakatanggap umano ng report ang PCP 1 kaugnay sa pamamaril at nang rumesponde ay naabutan ang nakahandusay na babae.
Sa pagtatanong sa ilang nakasaksi sa insidente, sinabing dating nobyo ng biktima ang suspek.
Matagal na umanong hiwalay ang dalawa sa hindi malamang dahilan.
Isa sa sinisilip na motibo ay selos o love triangle.





Comments