top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

BANGIS NG LOGISTICS, KAYA BANG TIBAGIN NG REALTORS?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 4, 2019
2 min read

PAKAY panatilihin ng Powerhouse F2 Logistics ang angat na kartada sa sandaling makasagupa ang Sta. Lucia sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Natalio Velez Sports and Cultural Center sa Silay City, Negros Occidental. Magsisimula ang aksiyon ng alas-4:15 p.m. kung saan pakay ng Cargo Movers ang ika-6 na diretsong panalo sa prestihiyosong women’s tourney.

Samantala, hangad din ng Cignal HD Spikers na makabawi sa Generika-Ayala sa ikalawang laban ng 7 p.m. na isinasaere ng ESPN5 at Kapatid TV5. Mula nang kunin si Filipino-American spiker Kalei Mau mula sa na-disband na United VC, hindi na tulad dati ang Cargo Movers dahil nagwagi na sila sa limang sunod na laro kabilang na ang match kontra reigning champion Petron at heavy contender Cignal.

Laban sa HD Spikers, ipinakita ng Cargo Movers na kaya nilang mapanatili sa kanila ang korona.

Nag-ambag si Mau ng 10 puntos katuwang ang local stars na sina Ara Galang, Aby Maraño at Majoy Baron upang bitbitin ang F2 Logistics sa napakadaling panalo na 25-22, 25-19, 25-14. Magkagayunman, nanatiling hindi kuntento si F2 Logistics coach Ramil de Jesus. “It’s not about the record. Yes, we have a perfect card so far, but we’re still playing in the eliminations. It’s still a long way to go,” ayon kay De Jesus, na nag-coach sa Cargo Movers para masungkit ang All-Filipino title noong 2017.

“I told the team to keep on playing hard. The playoffs will be a different ballgame so we have to build momentum in this early part of the conference.”

Taliwas dito, sugatan namang naiiwan ang Lady Realtors. Matapos ang panalo sa rookie team na Marinerang Pilipina sa opener, nahirapan na ang Lady Realtors sa apat na sunod na pagkatalo sa kabila ng star-studded players na sina MJ Philips, Amy Ahomiro, Rebecca Rivera, Amanda Villanueva at Pamela Lastimosa. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page