top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Todo-papansin makabalik-showbiz lang… SIGAW NG NETIZENS: JOHN LLOYD, DESPERADO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2019
1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

GRABE talaga ang mga bashers kapag nag-react sa mga posts ng mga celebrities sa social media.

Lately, ang paghuhugas naman ng pinggan ni John Lloyd Cruz ang napansin ng mga ito kung saan ibinahagi ito ng celebrity couple sa joint socmed account nila.

Iba’t iba ang reaksiyon ng mga netizens sa pagiging dishwasher ng aktor.

Sa video ay ipinakikitang masayang naghuhugas ng pinggan si Lloydie habang may kausap.

Reaction ng netizen, mukha raw desperado ang aktor sa pagbabalik-showbiz kaya pati ang paghuhugas ng pinggan ay ibini-video. Nagpapapansin lang daw ang Kapamilya actor kaya maging ang hashtag niya ay may pagka­desperado.

Ang iba namang netizens ay napan­sing magulo raw ang lalagyan ng plato ng celebrity couple.

“Napapansin ko lang, ha, ‘yung mga posts nina Ellen & JL na sa loob ng bahay, ang gulo or makalat ‘yung bahay nila. Nakaka-turn-off lang.”

May nagsasabi namang ‘under de saya’ daw ang aktor.

Siyempre, ipinagtanggol naman si Lloydie ng kanyang mga supporters.

“‘Pag gumagawa ng household chores ang lalaki, under agad? Your mentality is so ancient. That’s why it’s called partnership because men, too, have to do their task in doing those chores.

“Naghuhugas lang, under na??? Napaka-backward ng pag-iisip mo. Sa panahon ngayon, dapat gumagawa rin ang mga lalaki ng household chores. Choserang ‘toh! Pls. ‘wag ka magpadami ng lahi kung ganyan ang pag-iisip mo.”

Hindi matapus-tapos ang mga patutsada ng mga bashers kay JLC, pero ang nakaagaw-pansin sa amin ay ito, “Model husband and father. True role model for the baby boomers, millennial and Gen Z youth. Dapat pamarisan si John Lloyd. #ingat”

‘Yun na!!!!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page