Shotgun pinaglaruan, pumutok | SEKYU, SAPOL SA MUKHA, TODAS
- Jeff Tumbado
- Jul 3, 2019
- 1 min read

TODAS ang isang security guard makaraang masapol sa mukha nang aksidente umanong pumutok ang shotgun nito sa Camarines Sur, kahapon.
Dead-on-the-spot si Carlo Borlagdan, 19-anyos.
Ayon sa imbestigasyon, sinasaway umano ang biktima ng kanyang kasamahang sekyu dahil pinaglalaruan umano nito ang kanyang baril.
Sinisilip pa umano ng biktima ang barrel ng shotgun nang bigla itong pumutok at nasapol ito sa mukha.
Sa kabila ng pahayag ng saksi, magsasagawa ng imbestigasyon para alamin kung may foul play sa insidente.





Comments