top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Paraan ng panggagamot sa pigsa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2019
1 min read

Dear Doc. Shane,

Tatlong araw na ang nakalipas nang may tumubong pigsa sa aking puwitan, hirap akong umupo dahil dito. Sa totoo lang, hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil hindi ako komportable. Ano ba ang mabuting gawin para rito? — Marijo

Sagot

Ang pigsa ay masakit na bukol na puno ng nana. Tumutubo ito sa ilalim ng balat kapag may impeksiyon sa hair follicles dahil sa staphylococcus aureus bacteria na nasa balat.

Kadalasan, ang pigsa ay nagsisimula sa maliit at malambot na bukol. Ito ay lumalaki kapag napuno ng nana at sumasakit hanggang sa pumutok ito. Kapag maraming pigsa, ang tawag dito ay carbuncle.

Kahit saan ay tumutubo ang pigsa, pero madalas itong makita sa mukha, leeg, puwit, kilikili at hita. Lumalabas ito sa mainit na lugar na palaging pinagpapawisan. Maaari itong gamutin sa bahay maliban na lang kung marami at nasa mukha o napakasakit na. Pumunta agad sa doktor kapag nilagnat ang pasyente.

Paraan ng panggagamot

Lagyan ang pigsa ng mainit-init na tela o bimpo para mawala ang sakit at madaling pumutok. Kapag malaki o pabalik-balik, dalhin ito sa doktor. Maaari itong ipa-examine sa laboratoryo para mabigyan ng tamang antibiotic.

Tandaang, huwag pisilin ang pigsa dahil kakalat ang impeksiyon at hugasang mabuti ang mga kamay kung sakaling nahawakan ang pigsa. Labhan ng maigi ang damit o tuwalya kapag ito ay nadikit sa pigsa at huwag ng gamitin ang damit, pangahit, kumot o tuwalya ng ibang tao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page