Magsasaka tepok sa kidlat
Pabs Hernandez III
Jul 3, 2019
1 min read
LEYTE—Isang magsasaka ang namatay nang tamaan ng kidlat, kamakalawa sa bayan ng San Miguel sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Eric Paraso, residente sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, habang nasa bukid si Paraso ay biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa biktima.
Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kidlat na tumama kay Paraso ay agad namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktima.





Comments