top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

LIFESAVERS, MATATAG SA PSL; ALAPAG, ASST. COACH SA NBA

Nina VA/MC
Jul 3, 2019
2 min read

PINADAPA ng mainit na laro ng Generika-Ayala ang Sta. Lucia, 25-12, 25-23, 28-15, upang kunin ang ikatlong panalo sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Cadiz City Arena.

Bitbit ang kanilang back-to-back wins, ginapi ng Lifesavers ang Lady Realtors sa bisa ng impresibong panalo sa prestihiyosong women’s tourney. Nagawa na sana ng Sta. Lucia na makontrol ang laro sa ikatlong set, pero matibay ang lakas na pinakawalan ng Generika-Ayala upang tumuntong sa tagumpay. Sa naturang panalo, umakyat ang Lifesavers sa second spot kaparehas ng pahingang Petron Blaze Spikers sa 3-1 cards. “We had a strong start but we struggled in the second and third sets. Good thing was, the girls hung tough and completed those comebacks,” ayon kay head coach Sherwin Meneses, na pakay ang magandang laban sa isang out-of-town match kontra Cignal sa Huwebes sa Silay City. Tumapos si Fiola Ceballos ng 10 points at 10 kills habang si team captain Angeli Araneta at Patty Orendain ay may tig-9 at 8 puntos para sa balanseng atake ng Generika.

Malakas na laro rin ang ipinamalas ni Libero Kath Arado sa bisa ng 18 excellent digs at five excellent receptions habang si Jamie Isabelle Lavitoria ay nakapagpakawala ng 15 excellent sets. Matapos ang angat na 25-12 start, nahirapan pa muna ang Generika-Ayala sa second set, trumangko ng 19-22 bago tuluyang pinadapa ang Sta. Lucia sa isang 6-1 run.

Muling nakatrangko ang Lifesavers sa 15-19, bago tinapos sa 28-26 victory at tuluyang kumpletuhin ang three-set triumph. Tanging si MJ Phillips lamang ang gumagawa ng laro mula sa 14 points kontra hilahod na Sta. Lucia, na dumanas ng ika-apat na diretsong pagkatalo sa limang laban.

Samantala, sumalang na bilang bagong assistant coach si Jimmy Alapag sa team ng Sacramento Kings sa NBA Summer League. Dating national team captain si Alapag at kinuha ng Kings para sa Summer League campaign laban sa Golden State Warriors sa Golden 1 Center sa Sacramento. Nagwagi ang Kings, 81-77.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page