top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kahit join na sa bakasyon ng pamilya abroad… BF NI MAJA, NAGYAYA NA NG KASAL, BIGLANG BAWI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2019
1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MUKHANG may susunod na sa engagement ni Angel Locsin at ng producer na si Neil Arce.

Sunud-sunod kasi ang pagpo-post sa social media ng actress na si Maja Salvador sa mga travel photos nila ng kanyang businessman BF na si Rambo Nuñez.

Napag-alaman na nagbakasyon ang magkasintahan kasama ang pa­milya ni Rambo sa Italy at Switzerland nitong June, 2019.

Sa comment section, mababasa na nagpaplano sina Maja at Rambo sa susunod nilang destination.

Ani Rambo, “iammajasalvador Where to next? Work muna,” na sinagot ni Maja ng “@rambonunez alam mo na ‘yun.”

Sa isang post naman ni Rambo, tinutukso na siya ng kanyang mga kaibigan kung kailan na ba siya magpo-propose kay Maja dahil may damit na raw sila.

Sumakay naman si Rambo sa biruan at tina­nong kung pupunta ba ang mga kaibigan.

Umoo naman ang mga kaibigan ni Rambo, pero biglang binawi ito ng BF ng aktres dahil birthday celebration daw niya ang tinutukoy na magaganap ngayong July.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page