3 yrs. old inabuso ng kamag-anak

ARESTADO ang isang lalaki matapos umano nitong abusuhin ang tatlong taong gulang na babae sa Bgy. Lumbang na Bata, Calaca, Batangas.
Ayon sa pahayag ng ina ng biktimang si alyas Ellain, sinamantala umano ng suspek na si Sofronio Malabanan, ang pagkakataon kung saan nag-iisa ito sa kanilang bahay.
Tinabihan umano nito ang biktima saka ipinasok ang daliri sa ari ng bata.
Napag-alaman ng ina nito ang insidente nang matuklasan ang pananakit ng ari ng anak.
Positibo namang kinilala ng nakasaksi ang gumawa ng kahalayan kaya humingi ng tulong sa pulisya.
Sa isinagawang follow-up operation, nasakote ang suspek at kinasuhan ng kasong rape at child abuse sa piskalya.
Sinasabi ring malayong kamag-anak nila ang naarestong suspek.





Comments