3 mag-uutol na tulak, huli

ARESTADO ang tatlong magkakapatid at isang babae na umano’y pawang mga tulak sa Lungsod ng Makati.
Kinilala ang magkakapatid na suspek na sina Sundy alyas Zaldy, 47; Alfredo, 54, at Wilfredo Peña, 50, at Cinderela Togere, 46, pawang mga residente ng Bgy. Poblacion.
Base sa ulat ni Makati Police Chief, P/Col. Rogelio Simon, nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit laban sa mga suspek, alas-5:25 ng hapon.
Sa pagsisiyasat ni Cpl. Tingpee Merdeguia, binentahan umano ng mga suspek ng droga sa halagang P300 ang poseur-buyer sa lugar na sanhi ng kanilang pagkakahuli.
Nakuha sa mga suspek ang 35 pakete ng umano’y shabu na nagkakahalagang P5,000; P300 buy-bust money; drug paraphernalias, dalawang cellphones at gunting.





Comments