Sekyu dedbol sa shotgun
CAMARINES SUR—Isang security guard ang namatay nang aksidenteng pumutok ang hawak nitong shotgun at tamaan siya sa mukha, kamakalawa sa Bgy. Del Rosario, Pamplona sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Carlo Borlagdan, security guard sa construction site sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nililinis umano ni Borlagdan ang kanyang service firearm na shotgun nang aksidente itong pumutok at tinamaan siya sa mukha.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.





Comments