top of page

Sanhi ng pagkabulol ng bata

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay single-mother at may apat na anak, ang aking bunsong anak ay edad tatlo na ngunit, bulol pa rin siyang magsalita. Gusto kong malaman kung normal lamang ba ito, gayung ang ipinagtataka ko, ang kanyang mga kapatid ay madali namang nakapagsalita kung saan sa edad dalawa nila ay may salita na silang nababanggit. Sana ay mapali­wanagan ninyo ako. Maraming salamat! — Minerva

Sagot

Ang pagkabulol (lisping) na may terminolohiyang medikal na ‘functional speech disorder’ ay ang pagiging hirap na bigkasin ang ibang tunog na bahagi ng pananalita tulad ng ‘s’, ‘z’, ‘r’, ‘l’ o ‘th’. Halimbawa, ang salitang ‘sikap’ ay maaaring mabigkas na parang ‘thikap’.

Ano ang sanhi o dahilan ng pagkabulol?

Tulad ng maraming sakit, hindi madaling matukoy ang dahilan kung bakit ang tao ay nabubulol ngunit, karaniwan, ito ay kombinasyon ng mga problema sa hugis at anyo ng mga bahagi ng lalamunan ang bibig na responsable sa pagsasalita, problema sa pagkakatuto ng pananalita noong bata pa at iba pang mga bagay.

Gayundin, maaaring konektado ito sa diperensiya sa pakikinig, problema sa mga tainga, pagkakasakit at iba pa.

Normal lang ba ang pagkabulol sa mga bata?

Oo, sa umpisa ng pagsasalita, hindi pa gaanong kabisado ng mga bata ang pagbigkas ng iba’t ibang kataga o salita kaya ang kanilang pananalita ay parang bulol subalit, sa edad apat hanggang lima ay kalimitang nawawala na ang pagkabulol ng mga bata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page