top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pramis, 'di na nila bet… DATING SEXY STAR, NAGING RICH LANG, TODO-IWAS NA SA MGA KAIBIGAN DAHIL

Erlida Rapadas
Jul 2, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

MALAKI ang tampo ng mga artistang dating kaibigan at katropa ng isang former sexy star. Minsan daw na nakita nila ang dating sikat na sexy star, sinabing magri-reunion sila para magkumus­tahan ng kani-kanilang buhay.

Kaya naman, pinlano nila agad-agad ang nasabing reunion. Pero noong araw na itinakda para sa get-together, ni anino raw ng nasabing sikat na sexy star ay hindi nakita. Hindi rin ito nagparamdam man lang o nag-sorry sa mga dating kasamahang artista.

Balitang nakagalit daw ng richie-richie guy ang dating sexy star, kaya medyo nanahimik at lumayo na sa mga dating kaibigan. Baka raw ayaw ng sexy star na siya ay mahingan pa ng tulong ng mga dating kasamahan na wala nang projects ngayon, kaya dinededma na niya ang mga ito. Ayaw na rin daw siguro nitong maalala pa ang kanyang nakaraang buhay.

Sumbat tuloy ng mga artistang inisnab-isnab ng sexy star, alam na alam nila ang mga sikreto nito sa buhay. Kaya kahit rich na siya ngayon at iba na ang lifestyle, may malaking sikreto pa rin siya na alam ng mga dati niyang kaibigan, kahit patuloy siyang lumayo at mabuhay sa pagkukunwari!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page