top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para matahimik ang Kamara, term-sharing patulan na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2019
  • 1 min read

MAY ulat na naimbi­yer­na raw si P-Digong kay Rep. Lord Allan Velasco kaugnay ng bangayan sa Speakership sa Kamara.

Umatras kasi ito sa term-sharing na kanyang iminungkahi mismo sa pangulo kahati si Rep. Alan Peter Cayetano!

◘◘◘

BINABANSAGAN din siyang modernong ‘Pinokyo’ kasi nagsinu­ngaling daw siya sa pagsa­sa­bing walang naganap na kasunduan sa term-sharing sa harap ni P-Digong habang sila ay nasa Japan.

Nabisto siya nang kumpirmahin mismo ito ng pangulo sa talum­pati nito!

◘◘◘

PUMABOR si P-Du­terte sa term-sharing, lalo pa at napangakuan nito sina Rep. Cayetano at Rep. Velasco na tutu­lungan silang makuha ang posisyon ng House Speaker.

Inamin din ng pa­ngulo na bagamat, kaibigan niya ang isa pang Speakership can­didate na si Leyte Rep. Martin Romual­dez, wala itong panga­ko sa kongresista!

◘◘◘

NILINAW naman ni Cavite Rep Abraham Tolentino kung nais ng pangulo ang term-sharing ay agad silang tata­lima bilang nakaaalam ng makabubuti sa kan­yang administrasyon.

Pinalagan naman ng mga beteranong kongresista ang mau­gong na vote-buying para lamang makopo ang liderato ng Kamara!

◘◘◘

IDINETALYE mismo ng pangulo, ang nabuong kasunduan tungkol sa paghahati ng 3 taong termino bilang House Speaker nina Rep. Velasco at Rep. Cayetano.

Magsisilbi si Rep. Cayetano bilang Spea­ker sa unang 15 bu­wan at ang nalalabing 21 buwan ay aaktuhan naman ni Rep. Velasco!

◘◘◘

HINDI pa nagbibigay ng pahayag si Rep. Velasco kaugnay sa isyu na itinatwa niya ang kasunduan sa term-sharing.

Naniniwala ang ilang kongresista na walang ibang kauu­wian ang girian kundi ang magkasundo sa hatian ng termino upang matahimik na ang Kamara!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page