Paging Mayor Belmonte, saklaan sa Kyusi, talamak!

KUMPIRMADONG IKAKALABOSO NG PNP ANG MAG-I-IMPEACH KAY P-DUTERTE —Inihayag ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na kung ipag-uutos daw ni P-Duterte ay kanilang darakpin ang sinumang magpa-file ng impeachment complaint laban sa pangulo.
Dahil sa sinabing ‘yan ni Gen. Albayalde, malamang, sa kalaboso talaga ang bagsak ng mga magpa-file ng impeachment case laban kay P-Duterte, boom!
◘◘◘
GOOD NEWS, LIBRENG SAKAY SA MRT 3, LRT 2 AT PNR, START NA!—Good news! Nagsimula na kahapon ang libreng sakay na handog ng Department of Transportation (DOTr) para sa mga estudyanteng sumasakay ng MRT 3, LRT 2 at PNR.
Kung ganyan palagi ang programa ng Duterte gov’t. para sa kapakinabangan ng mamamayan, aba, palaging masigabong palakpakan ang makakamtan nila sa publiko, period!
◘◘◘
KUNG MAY DELICADEZA SI DOH SEC. DUQUE, DAPAT MAG-RESIGN NA SIYA SA PUWESTO—Ibinulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na aabot daw sa P154 billion ang napunta sa bulsa ng mga buwayang opisyal.
Pambihira, kaya pala pabangkarote na ang kanilang ahensiya at hindi magawang bayaran ang utang sa mga private hospital ay dahil pinagpaparte-partehan pala ng mga buwayang opisyal ang pera ng kanilang mga miyembro.
Kung may delicadeza si DOH Sec. Francisco Duque, dapat mag-resign na siya sa puwesto dahil sa isyung ito, boom!
◘◘◘
MGA NAGPAPASAKLA SA QC, KAILAN IPATOTOKHANG NI MAYOR JOY BELMONTE?—Sa loob ng siyam na taong panunungkulan ni ex-Mayor Herbert “Bistek” Bautista, hindi nito nagawang ipatokhang ang mga iligalistang nagpapasakla sa Quezon City na sina “Amang”, “Gaspar” at “Willy”.
Ngayong si Mayor Joy Belmonte na ang alkalde ng QC, makatikim na kaya ng “tokhang” sa kapulisan ang mga manraraket na ito? Abangan!





Comments