Nanlabang tulak todas
Pabs Hernandez III
Jul 2, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Sangitan, Laur sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Ernesto Olongo, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Olongo, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments