top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lumalalang tongpats at kolektong sa divisoria, nabuking!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2019
  • 2 min read

DAHIL sa puspusang clearing operation ng mga tauhan ni MPD. District Director General Vicente Danao, Jr., nabu­king ang karumal-dumal na raket o modus ng itinuturong utak ng pasa­way na sistema ng pagti­tinda ng mga nag-iiya­kang vendor sa Divisoria.

Kauupo pa lang sa pu­westo ni Mayor Isko Mo­re­no ay sinalubong agad ito ng karumal-dumal na modus-ope­ran­di ng isang alyas Apeng Daldal na lider umano ng tongpats at kolektong na ang duma­ranas ng paghi­hirap ay ang mga vendor na ang ipinupuhunan lamang sa kanilang mga paninda ay galing sa 5-6 ng mga Bumbay.

Ayon sa mga vendor, kahit wala silang latag sa bangketa ay tuloy pa rin daw ang patak ng metro ng kanilang lagay. Ibig sabihin, kahit walang mala­king latag na sobra sa itinakdang linya ng pu­westo nila ay kuwentado pa rin ang kanilang obligasyon na 'maglagay' na kinokolekta nina alyas Boy Intsik, Lanlan, Joan at Odet na direkta namang ibinibigay kay alyas Apeng Daldal. Mayor Isko, alam mo na!

Hindi masusupil ang modus ng mga kolektong dahil ayon pa sa mga vendor, nang pumutok ang pangalan ni alyas Apeng Daldal ay agad itong nag­patawag ng masinsinang pagpupulong sa bago nilang bida ng taryahan sa naturang lugar sa katauhan ni alyas Aileen na dati nang katiwala ni alyas Apeng Daldal. Mayor Isko, alam mo na ulit!

Mayor Isko, tila yata hinahamon ng mga bala­subas na ito ang inyong kakayahang matokhang sila sa pamemerhuwisyo sa taumbayan. Kilos, Mayor Isko, kilos!

Nabukayo rin na ka­sabwat diumano ang barangay official dahil raradyo raw muna kina alyas Apeng Daldal alyas Delta One na bago mapunta ang tongpats dito ay ini­ha­habilin diumano sa tindahan ng kanyang ba­rangay official na kapag nagkabukingan ay walang tongpats na makukum­piska dahil hawak ng kaanak nitong si alyas Roman Divisoria ang pera.

Mayor Isko, alam na alam mo na, ha?

Nang malaman ni Mayor Isko ang sumi­ngaw na korupsiyon sa Divisoria, hindi raw nito tatantanan ang pamemer­huwisyo sa mga vendor para mapanatili ang ka­ayusan at kalinisan ng Divisoria na batbat ng katiwalian na ang nape­perhuwisyo ay ang taum­bayan na hindi mapa­su­balian ang kagalakan para mawala ang karumal-dumal na raket sa naturang lugar.

Ikaw kaibigan, anong sey mo sa sumingaw na baho sa Divisoria?

Kung mayroong lihim ng Guadalupe, mayroon ding lihim ng Divisoria, ang hindi mawala-walang tongpats, nakakasuka!

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page