Kulong at multa sa lalabag | CELLPHONE HABANG NAGLALAKAD, BAWAL


LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ng Baguio City Council ang ordinansang magbabawal sa paggamit ng gadgets at earphones habang naglalakad o tumatawid sa lungsod.
Ayon kay Baguio City Councilor Francis Robert Ortega, layon ng ordinansa na matiyak ang kaligtasan ng mga tao sa pagtawid o paglalakad.
Sa ilalim ng ordinansa, sisitahin ang mga residente sa unang paglabag.
Sa ikalawang paglabag, pagmumultahin ang lumabag ng P1,000 na may kasamang community service.
Multang P2,000 at community service o pagkakakulong na hindi bababa sa 10 araw ang parusa sa ikatlong paglabag, habang multang P2,500 at community service o pagkakakulong na hindi bababa sa 30 araw naman ang parusa sa ikaapat na paglabag.
Samantala, pirma na lang ni Mayor Benjamin Magalong ang hinihintay para maipatupad ang nasabing ordinansa. (BRT)





Comments